Sapat na suplay ng kuryente, tiniyak ng ERC kasunod ng pinag-ibayong guidelines sa power deals

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Energy Regulatory Commission o ERC na lalo pang tatatag ang suplay ng kuryente ngayon sa bansa.

Ito’y makaraang maglabas ang ERC ng pinag-ibayong panuntunan hinggil sa competitive selection process.

Sa ilalim ng bagong guidelines, maaari nang bumili ng kanilang suplay ang power distributors sa mga electric provider na hindi nakadepende sa isang partikular na planta.

Paliwanag ng ERC, sa competitive selection process kasi kailangan pang dumaan sa bidding ng isang distributor gaya ng MERALCO bago makabili ng suplay sa generator o electricity provider.

Dahil dito, sinabi ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na dahil sa bagong panuntunan tiyak na magkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente upang maiwasan ang pagkakaroon ng power outages. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us