Saudi business leaders, hinikayat na maging bahagi ng lumalagong Islamic finance sector sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng Saudi business leaders ang Islamic finance sector na siyang bahagi ng economic growth ng Pilipinas.

Sa Roundtable Discussion ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Riyadh, Saudi Arabia, sinabi ni Diokno na lumalago ang Islamic banking ngayon sa Pilipinas kasunod ng pagpapatibay ng isang regulatory framework para sa Islamic banks upang pagsilbihan ang eight percent  Muslim population sa bansa.

Kamakailan, binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kinakailangan na minimum capitalization para sa Islamic banking para mas  makahikayat ng mga conventional bank na makisali sa market segment nito.

Ayon pa sa kalihim,  may mga insentibo na ipinagkakaloob ang Philippine government   para mas makaengganyo ng mga new players gaya ng tax neutrality at full Islamic insurance para suportahan ang Islamic Sector Development.

Tiniyak din ni Diokno na ang diverse opportunity sa Islamic regulatory environment ay pinangangasiwaan ng independent Sharia Supervisory Board.

Hinikayat ng kalihim ang Saudi business leaders na maging bahagi ng paglago ng Islamic financial banking sa bansa.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us