Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maghain ng kanilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SOCE) nang maaga at huwag hintayin ang 30-day deadline.
Partikular na pinayuhan ni Abalos ang mga kandidatong lalabas na mananalo na magsumite ng kanilang SOCE sa Commission on Elections (Comelec).
Batay sa Republic Act No. 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act, walang elected officials ang maaaring maupo nang hindi maghain ng kanilang SOCE.
Ang SOCE ay isang masinsinan at komprehensibong report tungkol sa mga kontribusyon at paggasta sa kampanya ng mga political candidates.
Pinaalalahanan din ng DILG Chief ang mga winning candidates na tiyaking lehitimo ang inventory report ng assets at properties ng barangay at i-turn over sa kanila ng maayos. | ulat ni Rey Ferrer