Nagpulong na ang Secretariat ng Kamara at Senado para plantsahin ang paghahanda sa gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF).
Kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host ngayong taon.
Pinangunahan ito nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr.
Kabilang sa napag-usapan ay ang registration ng APPF member countries kung saan 15 bansa na ang nagpahayag na dadalo sa pulong.
Kasama rin sa tinukoy sa pulong ang chairmanships at vice-chairmanships ng House members at mga senador para sa APPF sessions at pulong ng Women Parliamentarians.
Idaraos ang 31st APPF sa Philippine International Convention Center (PICC) mula November 23 hanggang 25 ngayong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes