Tumungo si Dotr Secretary Jaime Bautista sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong umaga upang siguruhin ang kahandaan ng Bus Terminal sa darating na long holiday.
Unang inikot ng kalihim ang passenger waiting area at mga bus bay upang kamustahin ang mga on board passengers na nakatakdang umalis na ng PITX.
Nag inspeksyon din ang kalihim sa mga bus na papaalis upang siguruhin ang kaligtasan at kundisyon ng mga bus na bibiyahe ngayong araw. | ulat ni AJ Ignacio