Sen. Angara, nirerespeto ang naging hakbang ng Kamara tungkol sa CIF ng ilang ahensya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nirerespeto ni Senate Committee on Finance Chairman Sen. Sonny Angara ang pagtanggal ng Kamara ng confidential fund sa ilang mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Angara, bilang isang co-equal branch ay hindi siya makakapagkomento sa naging aksyon ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Sila aniya sa Senado, pag-uusapan nila ang isyung ito pagdating ng period of ammendments.

Sa ngayon ay hindi pa matimbang ni Angara ang pulso ng mga kapwa niya senador tungkol sa pagbibigay ng confidential fund, lalo na sa mga civilian agencies ng pamahalaan dahil iba-iba pa sa ngayon ang naririnig niyang mga posisyon ng mga kasamahan niya tungkol dito.

Kailangan pa aniya nilang pag-usapan ang pagbibigay ng CIF ng agency by agency.

Samantala, hindi tiyak ng Senate Committee on Finance chairman kung mahihintay ng kanyang kumite ang magiging resulta ng rebyu na ginagawa ng Senate Secial Committee on Intelligence and Confidential Fund dahil may sinusunod silang timeline para sa pagpapasa ng panukalang 2024 budget.

Gayunpaman, sang-ayon si Angara na magandang pamantayan ang pagkilatis sa naging paggamit ng iba’t ibang ahensya ng kanilang CIF sa pagdedesisyon kung gagawaran pa sila , babawasan o dadagdagan nito para sa susunod nas taon.

Target ng Senado na matapos ang mga committee hearing tungkol sa mga panukalang pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno hanggang sa susunod na linggo at matapos ang committee report dito sa unang linggo ng Nobyembre.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us