Pormal na itinurnover kahapon, bisperas ng ika-69 na Founding Anniversary ng bayan ng Makilala, ang dalawang malalaking proyekto na bunga ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya.
Ang mga proyektong ito ay ang bagong Munucipal Hall at Makilala Public Market na napondohan sa tulong ng Office of the Civil Defense XII, Opisina ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, opisina ni 2nd District Representative Rudy Caoagdan, pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at ng lokal na pamahalaan ng Makilala.
Personal na sinaksihan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang aktibidad kung saan binigkas niya ang kaniyang mensaheng pagsuporta at pagbati sa liderato ni Makilala Municipal Mayor Armando M. Quibod.
Pinasalamatan din ng governor si Senator Bong Go na dumalo sa naturang turnover dahil sa walang humpay nitong pagtulong at sa malasakit na inihahandog nito sa mga mamamayan ng lalawigan.
Namahagi rin ang senador ng ayuda para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program ng DOLE.
Namigay rin ito ng food packs, grocery items at facemasks sa mga piling benepisyaryo.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao