Sen. Poe, pinanawagan na suspendihin muna ang implementasyon ng PUV modernization program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng sinasabing korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nanawagan si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang pagpapatupad ng Public utility vehicle (PUV) modernization program.

Ito ay hangga’t hindi pa aniya naisasaayos ang lahat ng mga isyu.

Binigyang diin ni Poe na sa pagnanais na maging moderno ang mga PUV sa bansa ay dapat ring tiyakin na ang proseso dito ay magiging progresibo, patas at makatao.

Giit ng senadora, hindi pa nga nakakausad ang modernization program mula sa iba’t ibang isyu ay mababahiran pa ito ngayon ng korapsyon.

Sinasbi ng mambabatas na kung totoo man ang alegasyon ng korapsyon ay dapat na mapanagot ang mga tiwaling opisyal lalo’t hindi ito makatarunagn para sa mga drayber na nawalan ng kabuhayan dahil pinaboran diumano ang mga naglalagay.

Umaasa si Poe na kasabay ng pag-iimbestiga sa mga sangkot sa isyu ay inaayos din ang modernization program para matiyak na tunay nitong mapapabuti ang kabuhayan ng mga drayber at makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us