Sen. Robin Padilla, handang tulungang pasiglahin ang PTV-4

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahayag ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senador Robin Padilla na handa siayng tulungan ang People’s Television Network (PTV4) para magkaroon ito ng sapat na kakayahan na malabanan ang fake news.

Sa naging pagdinig ng komite ni Padilla sa mga isyu sa PTV, sinabi ni Padilla na maghahanap siya ng paraan para matugunan ang mga problema sa PTV, kasama na dito ang modernisasyon ng gamit at regularisasyon ng mga empleyado ng government TV station.

Binigyang diin ng senador na kailangang mapalakas ang kapasidad ng PTV para epektibong malabanan ang fake news.

Una naman nang ibinahagi ni PTV General Manager Analisa Puod ang kanyang mga plano para ma-revitalize ang PTV4.

Kasama na dito ang pagkakaroon ng mga cultural, educational, sports at entertainment programs.

Dinagdag rin ni Puod na posible rin silang magkaroon ng kolaborasyon katulad ng sa ABS-CBN para sa programming.

Iminungkahi rin ni Padilla na hanapan ng paraan na maging regular ang mga empleyado ng PTV lalo na matapos mapag-alaman na 120 lang ang mga empleyado ng government network na regular habang nasa 500 ang nasa ilalim ng contract of service (COS) at 20 years na ang nakakaraan nang huling mag-regular ng mga empleyado ang PTV. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us