Sen. Sherwin Gatchalian, hinikayat ang pamahalaan na pabilisin ang transmission facilities para sa offshore wind projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na pabilisin ang pagbuo ng transmission facilities para sa offshore wind (OSW) projects.

Ayon sa senador, ito ay para mapataas ang kontribusyon ng renewable energy (RE) sa kabuuang suplay ng enerhiya ng bansa, at iposisyon ang Pilipinas na maging kauna-unahang ekonomiya sa Southeast Asia na may pasilidad ng OSW.

Ipinunto ng senador, na sinusuportahan nito ang isang circular na inilabas ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang taon, na nag-aalis ng limitasyon sa foreign ownership ng RE facilities sa pag-asang makaakit ng mas maraming mamumuhunan.

Ang nasabing circular ay nagbibigay-daan sa mga dayuhang mamamayan at mga dayuhang kumpanya, na magkaroon ng majority ownership sa mga proyektong makakatuklas, bubuo, at gagamit ng RE resources gaya ng solar, wind, biomass, ocean, at tidal energy.

Itinutulak ng mambabatas ang pagbuo ng mas maraming RE projects, sa hangaring makatulong na mapababa ang halaga ng kuryente at makatulong na matiyak ang sapat na enerhiya sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang DOE ay nakapagbigay na ng 79 offshore wind service contracts at ang mga pangunahing lugar na natukoy ay ang Northern Luzon, Northern Mindoro, at Southern Mindoro. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us