Senador Bong Go, kumpiyansa sa integridad ni Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go kay Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa gitna ng mga doping accusation laban sa atleta sa social media. 

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Sports, sinabi ni Go na lagi niyang susuportahan at poprotektahan ang integridad ng mga atletang Pilipino.

Binigyang diin ni Go, na mabigat ang akusasyon na ginawa ni Anais Lavillenie at dinungisan nito ang reputasyon ng isang maituturing na ‘national sports hero’ na kasalukuyang may hawak ng Asian record sa pole vault.

Tiwala ang senador, na bilang isang professional world-class athlete ay sumusunod si Obiena sa world sports standards at policies.

Binigyang diin ng mambabatas, na may proseso at official tests naman ang mga anti-doping body na kinukuha ng mga national athlete.

Iginiit rin ng senador, na hindi dapat kinukonsinte ang ganitong klase ng mga walang basehang akusasyon at ipinaalalang ang professionalism ay bahagi ng sportsmanship. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us