Hindi kontento si Senadora Cynthia Villar sa pondong nakalaan para sa first border facilities ng Department of Agriculture (DA) na siyang nag iinspeksyon sa lahat ng uri ng karne na pumapasok sa Pilipinas.
Sa pagdinig ng Senate Committee sa panukalang 2024 budget ng DA, napag alaman na nasa 15 million pesos ang nakalaang pondo para sa operations ng mga first border inspection facilities sa bansa.
Pero para kay Senate Committee on Agriculture Chairperson Villar, hindi ito sapat.
Aniya, nasa 2. 5 billion pesos ang nagastos para sa itinayong first border inspection facilities sa Bulacan, Cebu at Davao.
Pero sinabi ng Senadora na kailangan pang paigtingin at palakasin ang kapasidad ng mga first border facilities kaya hindi sasapat ang 15 million pesos lang.
Binigyang diin ni Villar na umaabot na sa 200 billion pesos ang nawawala sa livestock industry ng Pilipinas dahil sa African Swine Fever (ASF).
Giniit naman ni Senadora Nancy Binay na ang programang ito ng DA ang dapat na tinataasan ng alokasyon kada taon dahil mahalaga ang trabahong ginagawa ng mga first border inspection facilites. | via Nimfa Asuncion