Senate President Zubiri, tiwalang makakayang lagpasan ng MIF ang pagkwestiyon sa korte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na madedeklarang constitutional ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 at makakaya nitong malagpasan ang anumang pagkwestiyon sa korte.

Naninindigan si Zubiri na dumaan sa tamang legislative process ang MIF law.

Ginawa ng senate president ang pahayag kasabay ng pagsasabing welcome para sa Senado ang utos ng Korte Suprema sa ehekutibo at lehislatura na maghain ng komento tungkol sa petisyon na ideklarang unconstitutional ang MIF law.

Nirerespeto aniya nila ang anumang hakbang na dalhin sa Korte Suprema ang MIF law at tiniyak na makikiisa ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa anumang court proceedings kaugnay nito.

Sinabi ng senate leader na inatasan na niya ang senate secretary na makipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General tungkol sa paghahanda at paghahain ng komento.

Nakahanda aniya ang senado na sagutin ang anumang katanungan at isyu tungkol sa MIF law.

Sa huli, iginiit ng senador na ang kataas-taasang hukuman ang magdedesisyon sa usaping ito at rerespetuhin nila ang anumang magiging resulta. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us