Sinasabing kawalan ng interes ng China sa pagtulong sa infra projects ng pamahalaan, temporary setback lang — Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senador Sherwin Gatchalian na temporary setback lang ang tila nawawala nang interes ng China sa pagsuporta ng mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Ayon kay Gatchalian, ang mahalagang isyu na dapat pagtuunan ng pansin sa pakikipagkasundo sa China ay ang feasibility nito at financing.

Ipinunto ng senador na kumpara sa Official Development Assistance (ODA) na alok ng Japan o Korea, mas malaki ang interes rate ng ODA na alok ng China.

Kaya naman kung ang mambabatas ang tatanungin, mas makabubuting isulong ang mga infrastructure project loans sa mga institusyon o bansang matagal nang katuwang ng Pilipinas.

Ipinaalala pa ni Gatchalian na ilan sa mga proyektong pinondohan ng utang mula sa China ay kung hindi naipagpatuloy ay delayed naman ang implementasyon.

Ibinahagi rin ng senador na ang kongreso ay nagsasagawa na ngayon ng rebyu sa lahat ng mga ODA ng pamahalaan sa pamamagitan ng joint ODA oversight committee.

Aniya, kailangang pag-aralang mabuti ang feasibility ng mga proyektong ito lalo na’t pera ng bayan ang gagamitin sa pambayad sa huli. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us