Sitwasyong panseguridad sa BSKE, nananatiling mapayapa sa kabila ng pagtaas ng insidente ng election related incidents — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na nananatiling mapayapa ang pangkalahatang sitwasyong panseguridad sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng pagtaas ng insidente ng Election Related Incidents (ERI).

Ang pahayag ay ginawa ni Fajardo matapos na umakyat sa 23 kahapon ang bilang ng kumpirmadong ERI mula sa 22 kamakalawa.

Ito ay mula sa 129 na insidenteng naitala ng PNP mula August 28 hanggang October 26, kung saan 29 ang suspected ERIs at 77 ang non-ERI.

Ang mga insidenteng ito ay naitala sa Ilocos Region, Calabarzon, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Cordillera Administrative Region (CAR), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi naman ni Fajardo na sa ngayon ang bilang ng kumpiradong ERI ay mababa pa rin sa 40 ERI na naitala noong 2018 BSKE.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us