Small committee ng Kamara, masusing inaaral ang alokasyon ng confidential at intelligence fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Small committee ng Kamara, masusing inaaral ang alokasyon ng confidential at intelligence fund

Patuloy na inaaral ngayon ng binuong small committee ng Kamara ang maayos na alokasyon ng confidential at intelligence fund (CIF) sa ilalim ng 2024 General Appropriations Bill.

Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo ang proseso na kanilang ginagawa para masiguro na ang CIF ay mailalaan sa tamang ahensya.

Punto nito, na sa ilalim ng isinusumiteng National Expenditure Program lamang nila nakikita ang CIF dahil ang Department of Budget and Management (DBM) ang nag-a-allocate nito kada ahensya.

“Kasi as you know, nakukuha lang po namin through the NEP [national expenditure program] so doon sa NEP ang DBM kasi ang nag a-allocate ng mga CIF sa mga ahensya. So at this point in time ang ginagawa po namin is tinatama po namin ang pag-allocate ng mga CIF sa mga ahensya.” ani Quimbo

Sa ngayon, kanilang tinutukoy ang civilian agencies na nangangailangan ng CIF para sa pagtupad ng kanilang mga mandato.

Aalisan naman ang mga ahensya na hindi kailangan ng CIF para maisakatuparan ang kanilang atas.

Kasabay nito, tinutukoy din ang mga ahensyang nangangailangan ng dagdag na pondo lalo na ang mga tanggapan na ang pangunahing mandato ay ang pagprotekta sa West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us