Nakipagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa private organizations para sa progresibong pagpapalakas ng mga social worker at social work profession sa bansa.
Sa unang Memoranda of Understanding na nilagdaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, binigyang-diin nito ang pakikipagtulungan ng ahensiya sa Association of Foundations (AF) at League of Corporate Foundations (LCF).
Itoy upang higit na mapabuti ang regulatory mandate ng DSWD sa pamamagitan ng patuloy na pagbabalangkas ng patakaran, pagbuo ng mga pamantayan, at pagbibigay ng technical assistance sa Social Welfare and Development Agencies (SWDAs).
Tinitiyak din ng partnership ang suporta ng AF at LCF sa mga learning intervention at aktibidad ng DSWD Academy na nakatuon sa pagsulong ng social work practice.
Sinabi pa ni Gatchalian, ang DSWD Academy ay mangangailangan ng expertise ng dalawang organisasyon upang higit na mapalakas ang maliliit na non-government organizations (NGOs) at SWDAs.
Para sa ikalawang MOU,
nakipagkasundo ang kalihim sa University Hotel (UH), isang lodging at catering venue sa University of the Philippines – Diliman.
Layon naman nito para matiyak ang pagpapatuloy ng pagsasagawa ng capacity building activities at trainings habang sumasailalim sa pagsasaayos ang DSWD Academy hanggang sa unang semestre ng 2024. | ulat ni Rey Ferrer