Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pakikidalamhati sa nangyaring trahedya sa Bajo de Mansinloc nitong Lunes, kung saan tatlong mangingisda ang nasawi.
Aniya, ang mga mangingisdang ito ang kumakatawan sa puso at diwa ng nasyon, na matapang na sinusuong ang karagatan para lang mabuhay ang kani-kanilang pamilya.
“President Ferdinand Marcos Jr. has rightly and deeply expressed the nation’s collective sorrow over the tragic incident near Bajo de Masinloc, where we lost three of our countrymen, including the vessel’s captain. These fishermen represent the heart of our nation, braving the seas daily to provide for their families. Their sudden loss has left a void that reverberates across our country,” saad ni Speaker Romualdez, lider Kamara na may higit 300 miyembro.
Kinilala din nito ang mabilis na pagtugon ng pamahalaan gayundin ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard upang tukuyin at alamin ang katotohanan sa nangyaring insidente.
Agarang tulong din ang panawagan ng House leader para sa mga naiwang pamilya ng tatlong mangingisda.
“To assist the bereaved families during their time of grief, we advise all government agencies concerned to reach out to them immediately and extend financial support, counseling services, and legal assistance. We, in the government, are committed to ensuring that they are not left to face this tragic loss alone,” ani Romualdez
Hiling naman ng House Speaker sa publiko na maging mahinahon at hintayin na matapos ang imbestigasyon.
“While the President has taken the lead in these challenging times, as Speaker of the House, I stand firmly behind him, echoing the call for patience and understanding. It is paramount that we, as a nation, trust our institutions and refrain from speculating, ensuring the investigation proceeds without hindrance,” sabi pa ng House Speaker
Nanawaga din si Romualdez ng kooperasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa para masigurong maipatupad ang maritime law at safety.
“In these trying times, it is essential that we come together as a nation to support one another, especially the families affected. We urge all parties and nations with interests in the area to work cooperatively, uphold maritime laws and international principles, and prioritize the safety and welfare of all individuals at sea,” diin ng Speaker | ulat ni Kathleen Forbes