Speaker Romualdez, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy caregiver

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinalaw mismo ni Speaker Martin Romualdez ang naiwang pamilya ng isa sa tatlong OFW na nasawi dahil sa gulo sa Israel.

Kasamang nakiramay ni Romualdez sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. at Pampanga Gov. Dennis Pineda sa pamilya ng Pinoy caregiver na Paul Castelvi na tubong San Fernando Pampanga.

Sinamantala na rin ito ni Romualdez para iabot ang P500,000 na cash assistance mula sa kaniya at kay Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez.

Batid ng House leader na walang anomang halaga ng pera ang makakapawi sa sakit na mawalan ng kaanak ngunit umaasa siyang sa makatulong pa rin ang ipinaabot na cash assistance.

Ngayong araw din naipaabot ang tulong pinansyal para sa naiwang kaanak ng dalawa pang OFW.

Si Negros Occidental 2nd District Rep. Alfredo Marañon III ang nagpaabot ng tulong sa pamilya ni Loreta Alacre habang si Pangasinan Rep. Ramon Guico, Jr. ang nagtungo sa tahanan ni Angelyn Aguirre.

“No amount of assistance can truly compensate for your loss, but we hope this small gesture will help assuage your grief and alleviate some of the financial burdens you are facing during this difficult time,” sabi ni Romualdez sa pamilya Castelvi.

Ang asawa ni Castelvi ay nasa Israel pa rin at nagtatrabaho bilang caregiver.

Inaasahan na isisilang nito ang kanilang unang anak sa Nobyembre.

Nagpaabot naman ang anak ng amo ni Castelvi ng pasasalamat sa naulilang pamilya nito at naniniwala na pinrotektahan ni Castelvi ang kaniyang amo mula sa grupong Hamas.

Una naman nang kinilala ng Israeli government at ng employer ni Aguirre ang kabayanihan nito dahil sa hindi niya iniwan ang kaniyang inaalagaan sa gitna ng pag-atake.

Habang pinasalamatan din ng amo ni Alacre ang ating kababayan sa pagsisilbi nito ng anim na taon bilang caregiver. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us