Speaker Romualdez, pinuri si Pangulong Marcos Jr. matapos makasungkit ng higit US$4 billion na kasunduan kasama ang Saudi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. matapos maselyuhan ang apat na kasunduan kasama ang Saudi Arabia na nagkakahalaga ng US$4.26 billion.

Nilagdaan ang naturang mga kasunduan sa pagtatapos ng roundtable meeting ng presidente kasama ang top Saudi business leaders.

Nasa Kingdom of Saudi Arabia si Pangulong Marcos Jr. para makibahagi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Gulf Cooperation Council Summit.

“The signing of these agreements which promises a far-reaching impact on the Philippine economy and on the lives of our workers is a monumental achievement of Pres. Marcos. This is the fruit of his tireless efforts in fostering economic ties with our partners in the international community and exemplifies his commitment to securing a brighter future for the Filipino people in line with his vision for a prosperous and globally competitive Philippines,” ani Romualdez

Kabilang sa mga kasunduan na ito ang US $3.765 billion deal sa pagitan ng Al-Jeer Human Resources Company (ARCO) at Association of Philippine Licensed Agencies for the Kingdom of Saudi Arabia para sa pag-empleyo ng mga Pilipino.

Magtatayo rin ng isang 500-person training facility sa Tanza, Cavite, na nagkakahalaga ng US $120 million.

Layon nito na linangin ang kasanayan ng mga Pilipino sa larangan ng masonry, carpentry, electrical, welding, equipment management, warehousing, steel fabrication, at iba pang kakayanan na may kaugnayan sa konstruksyon.

Target nito na masailalim sa training ang 2,000 Pilipino simula sa 2024 at kabuuang 15,000 sa susunod na limang taon

Kabuuang US $191 million naman ang halaga ng kasunduan sa pagitan ng Maharah Human Resources Company of Saudi at Filipino firms na Staffhouse International Resources Corporation at E-GMP International Corporation.

Kinilala rin ni Romualdez ang malaking ambag ng iba pang opisyal ng pamahalaan at lider ng mga negosyo na nagtulak para selyuhan ang kasunduan.

Muli rin nitong binigyang kasiguruhan ang pangako ng Kamara, na magpasa ng mga kinakailangang batas at ipatupad ang oversight function para matiyak ang matagumpay na pagsasakatuparan ng mga nakuhang kasunduan, at makahikayat pa ng mas maraming foreign investment na makatutulong sa hangarin ng administrasyon na mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us