Bagamat kinikilala ang magandang intensyon ng panukalang OFW Social Security and Retirement System, nagpahayag ng reservation ang Social Security System (SSS) dito.
Ayon kay Atty. Maria Victoria Garong ng SSS Legal Affairs Division, posibleng redundancy lamang kasi ito ng kanila nang mandato na magbigay ng social security service sa mga OFW.
Mayroon na rin aniya silang short at long-term na programa para sa migrant workers kabilang ang Workers’ Investment and Savings Program at ang mga pinasok na social security agreements sa ibang bansa para maprotektahan ang social security rights ng OFWs.
Hindi rin pabor ang SSS sa mas maagang retirement age ng OFW na 45 hanggang 50 years old.
Paliwanag ni SSS Vice President for Actuarial Services Division Gilby Oribello, maaaring mas mataas sa kasalukuyang 14 percent contribution ng OFW ang singilin oras na matuloy dahil maaapektuhan ang sustainability ng pension fund. | ulat ni Kathleen Jean Forbes