STOP at SPOT approach laban sa peke at maling balita, isinusulong ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko, lalo na ang mga kabataan na i-report ang maling impormasyon na kanilang makikita, mababasa, o mapapanood sa social media at iwasan nang ibahagi pa ito, upang matuldukan na ang misinformation at disinformation.

Ayon kay Communications Undersecretary Emerald Ridao, nangangailangan ng collective responsibility ang pagsisiguro ng katotohanan, sa panahon kung kailan laganap ang maling impormasyon.

“And when you do realize that you have come across false information, report it, don’t share it. The spread of misinformation and disinformation ends with you. It is our collective responsibility to safeguard the truth in an age where falsehoods threaten to obscure it,” —Usec Ridao.

Umaapela rin ang opisyal sa publiko na i-adopt ang STOP at SPOT approach upang malaban ang peke at maling impormasyon.

“As we unite in our unwavering commitment to the truth, we will conquer what was once a daunting monster of misinformation. Together, we shall forge a future where the pursuit of truth stands above all else,” —Usec Ridao.

Maigi aniya na huminto muna at alamin kung sino ang source ng impormasyon, kung certified experts o mapagkakatiwalaan ba ang source ng balitang binabasa.

Maigi rin aniya na huminto muna at alamin ang dahilan kung bakit lumalabas sa news feed ang isang impormasyon o kung bakit ito trending.

Kailangan rin aniyang suriin ang timeline ng impormasyon.

Ayon sa opisyal, ang mga kabataan ngayon ay gutom sa kaalaman at bukas sa pagiging responsableng mamamayan ng lipunan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit ang PCO, nakatuon sa pag-utilize at pagpapalakas ng potensyal ng mga kabataan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us