Subsidiya ng gobyerno sa PUV Modernization Program, nais padagdagan ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian na dagdagan ang hapaga ng subsidiya na inilalaan ng gobyerno para sa modernization program ng public utility vehicles (PUVs).

Pinunto ng senador na nasa 60 percent lang ang compliance rate ngayon at walang alokasyon para sa PUV modernization sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang pagtaas ng halaga ng subsidiya ay dapat maging bahagi ng estratehiya ng Department of Transportation (DOTr) para makamit ang target na 100% modernisasyon ng mga PUV sa bansa.

Ayon sa DOTr, ang isang unit ng modernized PUV ay nagkakahalaga ng ₱2.4-million hanggang ₱2.8-million pesos.

Sinabi naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ipagpapatuloy ng ahensya ang pagbibigay ng equity subsidies sa lahat ng PUV drivers at operators at humihiling sila ng ₱1.6-billion pesos para sa naturang programa para sa susunod na taon.

Nakatakda sa December 31, 2023 ang deadline para sa jeepney operator na sumali sa isang kooperatiba.

Sinabi rin ng DOTr na ilang mga private groups ay interesadong sumabak sa manufacturing ng modernized PUVs na magpapababa ng halaga. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us