Kinumpirma ng 7th Infantry Division na isang sundalo ang nasawi matapos makasagupa ng kanilang mga tropa ang NPA sa San Fernando, Laur, Nueva Ecija, kahapon.
Ayon kay 7th Infantry Division Public Affairs Chief Major Jimson Masangkay, binawian ng buhay ang sundalong sugatan habang nilalapatan ng lunas.
Kanya namang pinabulaanan ang mga balitang kumalat sa social media na apat na sundalo ang nasawi at may pitong sibilyan ang tinamaan ng bala sa barilan.
Paliwanag ni Maj. Masangkay, may mga naipit na sibilyan sa bakbakan pero ligtas silang lahat at inilikas.
Samantala, sinabi ni Masangkay na hindi pa nila alam ang bilang ng mga nasawi sa panig ng NPA.
Dahil sa bakbakan kahapon, hinigpitan na ang checkpoint operations sa Laur. | ulat ni Leo Sarne