Supermarket at grocery, pinasasama sa mga maaaring paggamitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng isang mambabatas ang DSWD na aralin ang pag-reconfigure sa Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na siyang ginagamit para sa Food Stamp program ng ahensya.

Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, dapat ikonsidera ng DSWD na magamit din sa mga supermarket at grocery ang naturang EBT card dahil hindi naman lahat ng lugar sa bansa ay mayroong Kadiwa Stores.

Maaari aniya gawin itong parang debit card na magagamit ng benepisyaryo sa mga accredited na pamilihan.

“EBT card should be usable at point-of-sale at supermarkets, groceries, and drugstores with electronic card readers, in addition to the Kadiwa stores and DTI rolling stores. Considering the 2024 target of 300,000 beneficiaries, there are not enough Kadiwa stores and DTI rolling stores to serve such a high number and future scaling up.” punto ni Chua.

Kasalukuyang nasa pilot stage ang programa ng DSWD.

Sa ilalim nito bibigyang ng P3,000 na food voucher na ipapasok sa EBT card ang pinakamahihirap na pamilya kada buwan.

Ang halagang ito ay magagamit na pambili ng pagkain sa mga Kadiwa store para matulungan din ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga ani o huli. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us