Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag ang suplay ng bigas sa bansa hangang sa unang quarter ng susunod na taon.
Sa Media Forum sa Quezon City, sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary. Arnel de Mesa na nagsimula na ngayong Oktubre ang peak ng harvest season na inaasahang aabot ng 77 araw ang stock inventory ng bigas sa bansa.
Kapag natapos ang anihan ngayong Nobyembre para sa wet season ay inaasahang aabot sa 94 na araw ang national stock inventory ng bigas.
Dahil dito aabot sa 2.4 million metric tons ng bigas ang national stock inventory sa katapusan ng ikatlong quarter ng taon.
Bagamat mas mababa ito ng 600 libong metric tons kumpara sa 3 million metric tons noong nakaraang taon ay sasapat naman ito para sa 60 hanggang 90 araw na national stock inventory.
Umaasa ang DA na madaragdagan pa ito mula sa mga inangkat na bigas.| ulat ni Rey Ferrer