Suportang natatanggap ng Pilipinas kasunod ng collision incident sa WPS, nagpapalakas ng loob ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat ang Pilipinas sa suportang natatanggap mula sa mga kabalikat nitong bansa, kaugnay sa mga ginagawang pangha-harass ng China sa mga mangingisda at sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang na sa nagpahayag ng suporta at pag-kundena sa China ay ang Estados Unidos, European Union, Canada, Japan, Germany, United Kingdom, Australia, at The Netherlands.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Malaya na nagbibigay ito ng lakas ng loob sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal, para sa BRP Sierra Madre, sa gitna ng mga iligal na aktibidad ng China sa lugar.

“Ang dami pong mga bansa. Marami pong salamat mula sa National Task Force-West Philippine Sea kasi pinapalakas ninyo po ‘yung loob ng ating bansa na ituloy itong mga resupply missions na ito.” —ADG Malaya.

Kaugnay nito, umaapela naman si Defense Secretary Gilberto Teodoro ng pagkakaisa mula sa mga Pilipino, upang sama-samang kondenahin ang mga iligal na aktibidad ng China, sa teritoryo ng Pilipinas.

“Inuulit-ulit ko, ngayon po, kailangan kondenahin ng buong mundo at ng bansa ang iligal at mapaniil na mga aksyon ng Chinese government na labag sa kahit na anong norm ng international law, kahit saang libro hanapin.” —Secretary Teodoro.  

Ayon sa kalihim, mas kailangan ngayon ng bansa na magkaisa, laban sa pangha-harass ng China at sa pang-babaluktot nito ng mga tunay na nangyayari sa mga insidentent kinasasakungran ng Chinese vessels sa WPS.

“Kaya maniwala na lang po sa ating gobyerno, huwag po itong maging ugat ng pagtatanim ng fake news ng Tsina o ng iba pa upang tayo’y magkawatak-watak o magkadebate nang malaki sa mga isyu na ganito dahil sa oras po na ito, kailangan po ng pagkakaisa ng ating bansa.” —Secretary Teodoro.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us