Surigao solon, suportado ang hakbang para pagandahin ang Pag-asa Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakuha ng suporta mula kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang paglalaan ng pondo sa pagsasaayos ng 37.2 ektaryang Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pimentel, malaking tulong ang P3 billion na pondo na inilaan ng House leadership sa ilalim ng 2024 National Budget para i-upgrade ang mga pasilidad sa isla at gawin itong tourist attraction.

Kasama sa pinondohan ay ang extension ng runway ng paliparan sa isla.

“The Speaker’s [Martin Romualdez] plan to upgrade Pag-asa’s airfield, wharf and boat shelter port reinforces our proposal to establish the island as a tourist attraction.

Aniya, dahil sa napapalibutan ito ng mayamang marine life ay maaari itong maging diving at fishing spot.

Matatandaan na noong nakaraang taon inihain ni Pimentel ang House Bill 6228 na layong ideklara ang Pag-asa bilang isang recreational fishing at diving spot sa ilalim ng National Tourism Development Plan.

Naniniwala ang mambabatas na kung matatayuan ng sapat na imprastraktura ang isla ay papasok ang turista.

Kamakailan nang bisitahin ni Speaker Romualdez at iba pang House leaders ang Pag-asa Island at sinabi ang potensyal nito na maging “Maldives of the Philippines”. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us