Suspek na NAIA Terminal-3 molotov incident, napasakamay na ng awtoridad — MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli na ang ang utak sa nangyaring molotov incident sa NAIA Terminal-3 open parking kamakailan.

Pinangalanan ang suspek na si Renieldo Dela Peña Perez, alyas “Bolayog,” ang may kakagawan ng pagsabog sa parking lot ng NAIA Termial-3 kung saan nagdulot ng pangamba sa mga pasahero at seguridad ng paliparan at umabot sa tatlong sasakyan ang napinsala sa insidente.

Isang tip mula sa isang concerned informant ng Philippine National Police (PNP) Terminal Police Station ng Manila International Airport Authority (MIAA) kaya naman agad nagkasa ng operasyon at agad nahuli ang suspek. 

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek at nahaharap sa kasong Attempted Arson and Alarm and Scandal.

Ayon kay MIAA OIC General Manager Bryan Co, malaking bagay ang pagkakahuli sa suspek upang ipakita sa publiko na seryoso ang MIAA sa pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan sa Metro Manila.

Nagpasalamat din si OIC GM Co sa PNP Aviation Security Group sa paghuli sa suspek.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us