Nahaharap ngayon sa kasong murder at frustrated murder ang mag-asawang si Pabil Pagrangan at Normalah Pagrangan, incumbent Barangay Chairperson ng Brgy. Sigayan, sa Bayan ng Kapatagan, Lanao del Sur.
Ito ay kasunod ng nangyaring insidente ng pamamaril kung saan nagtamo ng tatlong tama ang biktima na kinilalang si Kamar Bilao Bansil na tumatakbo ring barangay chairman sa nasabing lugar na nagresulta ng kanyang pagkasawi habang ang kanyang asawa na si Jasmin Macalanggen at anak ay sugatan.
Ayon sa report ng Police Provincial Office ng Lanao del Sur sa pangunguna ni PCol Robert Daculan, sakay ng puting multicab ang mag-anak nang paulanan sila ng bala.
Samantala, may mga ilang barangays rin sa Lanao del Sur kung saan kinailangang mag take over ng mga kasundalohan dahil sa gulo mula sa magkakatunggaling panig kagaya ng Brgy. Poctan ng Butig kung saan nasawi ang isang kumakandidato sa Brgy. Chairman matapos mabaril sa araw ng halalan mismo. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi