Sweldo at iba pang benepisyo ng mga guro, ipinapanukalang huwag nang buwisan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain sa Kamara ang panukala na huwag nang patawan ng buwis ang sweldo at iba pang benepisyo ng mga guro.

Sa House Bill 9106 ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, itinutulak nito na ma-exempt sa withholding tax ang salaries, wages, allowances at benepisyo ng mga public school teacher kasama ang mga nagtuturo sa State Universities and Colleges.

Tinukoy ni Rodriguez sa panukala ang datos ng Department of Budget and Management na mayroon 880,000 na public school teacher sa buong bansa.

Sa isang report noong 2018, lumalabas na ang teacher to student ratio ay nasa 1:29 sa elementarya, 1:25 sa high school at 1:29 sa senior high.

Sa kabila aniya ng mabigat na responsibilidad na nakaatang sa mga guro ay sila rin ang isa sa may pinakamababang sweldo

Kaya aniya mahalagang mabigyan sila ng sapat na kompensasyon kapalit ng kanilang malaking sakripisyo at kontribusyon sa pagtuturo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us