Kalmado, malinis at maaliwalas ang kaanyuan ng Taal Volcano sa Taal Batangas ngayong umaga.
Batay sa monitoring ng Phivolcs, nakitaan na lang ito ng manipis na volcanic smog o vog kahapon.
Sa nakalipas na 24 oras, nagkaroon lamang ito ng tatlong volcanic earthquake kabilang ang 1 volcanic tremor na tumagal ng limang minuto.
Kahapon, bumaba na sa 1,902 tonelada kada araw na Sulfur Dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nakitaan pa rin ito ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na nagdulot ng Plume na may taas na 2100 metro.
Napadpad ito sa Timog-Silangan ng Taal volcano.
Gayunman nananatili pa rin ang alert level 1 status sa bulkan na palatandaan na abnormal pa rin ang aktibidad nito. | ulat ni Rey Ferrer