Taguig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa 14 na lugar sa lungsod upang umagapay sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng libreng sakay sa mga residente ng kanilang lungsod na maaapektuhan ng ikinasang tigil-pasada ngayong araw.

Ayon sa pamunuang ng Taguig City, bagamat wala namang banta ng tigil-pasada ang ilang transport groups sa lungsod at walang suspensyon ng pasok sa mga mag-aaral ay nakahanda ang kanilang command tents sa 14 na lugar sa lungsod upang maghatid ng libreng sakay.

Kabilang sa mga rutang may command tents na may libreng sakay ay ang:
Bagumbayan, DOST, ARCA South, Tenement, Gate 3, Waterfun, Market! Market!, Global Oil, Cayetano Blvd., Ususan, Petron Diego Silang, C5, Sta. Ana, at Napindan.

Samantala, sa EMBO barangays naman ay after Pateros Bridge, stop light or crossing of Buting, J.P. Rizal, C5, at Uptown Hub BGC/Kalayaan Avenue.

Nakadepende naman ang magiging deployment ng sasakyan sa dami ng pasahero sa nabanggit na mga lugar. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us