Tatlong isla ng Pilipinas, pasok sa Top 10 Reader’s Choice Award ng isang International Travel Magazine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling kinilala ang ganda ng Pilipinas ng isang International Travel Magazine nang masungkit ng tatlong isla ng bansa ang tatlong pwesto sa Top 10 ng Reader’s Choice Award nito.

Sa inilabas na listahan ng Condé Nast Traveler o CNT kung saan umabot sa 600,000 readers ang sinurvey online, pasok sa ika-sampung pwesto ang isla ng Siargao, pang-anim naman ang isla ng Palawan, habang nasungkit naman ng Boracay Island ang ikatlong pwesto.

Patunay umano ito ayon kay Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na tunay ngang “Love the Philippines” ng mga turista mula sa buong mundo ang mga isla ng bansa.

Patunay rin aniya ito ng kasipagan, dedikasyon, at sustainable tourism efforts ng bansa para sa pag-preserve at pag-enhance ng ganda ng mga isla sa Pilipinas.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na kinilala ang Boracay at Palawan sa nasabing listahan. Noong nakaraang taon, itinanghal na pinakamagandang isla sa Asya ang Boracay, habang nasa ika-walong puwesto naman ang Palawan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us