Tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog sa mga paaralan, iniimbestigahan ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections ang tatlong magkakahiwalay na insidente ng sunog na tumupok sa tatlong paaralan sa Maguindanao at Lanao del Norte.

Ayon sa report, 1:50 ng madaling araw kahapon nang maganap ang sunog sa Ruminimbang Elementary School sa may Brgy. Ruminimbang, Barira, Maguindanao.

Tuluyang nasunog ang ilang silid-aralan mula Grade 1 hanggang Grade 4 ng naturang paaralan. Wala namang naiulat na nasawi sa insidente.

Ayon sa Comelec, nasa “red category” o “election area with grave concern” ang Brgy. Ruminimbang at posibleng may kaugnayan ang panununog sa darating na Barangay ang SK Elections 2023.

Daokong ala-4 naman ng madaling araw ng kaparehong araw natupok din ng apoy ang Dalican Pilot Elementary School sa may Poblacion, Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Sur.

Sinasabing binuhusan umano ng tatlong galon ng gasolina ang mga gusali ng mga salarin dahilan para tuluyang matupok ang dalawang silid-aralan at isang school canteen.

Habang sa Lanao del Norte, sumiklab naman ang apoy sa Poorna Piagapo Central Elementary School sa may Old Poblacion, Poona Piagapo, Lanao del Norte bandang ala-2 rin ng madaling araw.

Kung saan isang silid-aralan ang natupok sa insidente.

Ayon sa COMELEC, tinitingnan nila ang anggulo ng arson para sa mga nasunog na school sa Maguindanao habang anggulo naman ng electrical connection sa insidente sa Lanao del Norte.

At sa kabila nito ayon kay Comelec Chairman George Garcia tuloy na tuloy bukas ang eleksyon sa mga nasabing lugar. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us