Taxpayer Registration-Related Application Portal, inilunsad ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng Taxpayer Registration-Related Application (TRRA) Portal ang Bureau of Internal Revenue.

Ito’y upang mabigyan ng isa pang alternative option ang mga taxpayer sa pagsusumite ng kanilang application na nauugnay sa registration-related applications electronically sa BIR Revenue District Offices (RDOs).

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr, saklaw ng TRRA Portal ang mga transaksyong nauugnay sa pagpaparehistro tulad ng aplikasyon para sa TIN sa ilalim ng E.O 98 at ONETT; ang pagpaparehistro ng mga OFW at non-resident citizens; ang aplikasyon para sa Authority to Print; pag-update ng email address gamit ang Application Sheet Form S1905; ang paglipat ng pagpaparehistro ng mga empleyado at iba pang non-business taxpayers  at ang pag-update ng maiden name para sa babaeng may asawa.

Dahil sa inilunsad na Taxpayer Registration-Related Application Portal, umaasa si Lumagui na mapahusay pa ang pagpaparehistro ng taxpayers sa BIR. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us