Isinailalim na sa 90 araw na suspensyon ang guro ng Peñafrancia Elementary School na itinuturong nanampal sa estudyanteng si Francis Jay Gumikib.
Batay sa mapagkakatiwalaang source ng Radyo Pilipinas mula sa Department of Education (DepEd), kinumpirma nito ang ipinataw na suspensyon kay Dizon ay dahil sa ginawa nitong pananakit kay Gumikib.
Una rito, ibinunyag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang suspensyon sa guro kasabay ng pagsuporta nito sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito gaya ng child abuse.
Habang ang kasong homicide naman dahil sa pagkamatay ni Francis Jay ay nakadepende sa magiging resulta ng autopsy, na isinagawa ng PNP Forensic Group sa Kampo Crame.
Magugunitang nasawi si Gumikib, 11 araw matapos ang nangyaring pananampal ni Dizon na nangyari noong Setyembre 21. | ulat ni Jaymark Dagala