The Great Philippine Overland LOOP, bumisita sa lalawigan ng Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang mga kalahok ng The Great Philippine Overland LOOP noong Oktubre 14.

Bahagi ito ng kanilang epic-20-day overland adventure na umikot sa Pilipinas mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 13.

Sinasaklaw ng naturang adventure ang humigit-kumulang 6,500 kilometro, na dumaraan sa higit sa kalahati ng mga lalawigan ng bansa.

Itinatampok ng paglalakbay ang nakamamanghang pagkakaiba ng bawat destinasyon na kanilang pinupuntahan na layuning ibahagi at ipakita ang kagandahan ng Pilipinas at ang mabuting pakikitungo ng mga Pilipino.

Titipunin ito  at iprepresenta sa pamamagitan ng coffee table book, isang website at isang 4 part Youtube 20 min. episode.

Nais daw ng mga ito na magbigay ng inspirasyon sa mga enthusiasts, future adventurers kabilang ang mga lokal at dayuhang turista na tuklasin at maranasan ang Pilipinas sa pamamagitan ng overlanding.

Samantala, bilang isa ang lalawigan sa expedition routes, ang overlanders ay binigyan ng tour sa Banaan Pangasinan Provincial Museum kasama si Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na personal silang tinanggap sa kapitolyo ng lalawigan. | ulat ni Mildred Coquia | RP1 Tayug

Photos: Pangasinan Provincial Government

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us