Tinatayang 13 hanggang 20 milyong datos mula sa mga miyembro ng PhilHealth, pinangangambahang nakompromiso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumagawa na ng iba’t ibang pamamaraan ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth kung paano nila maipaalam sa mga apektadong miyembro na nakompromiso ang kanilang mga datos

Ito ang inihayag ni PhilHealth Data Privacy Officer Nerrisa Santiago makaraang aminin nito na posibleng nakompromiso ang datos ng nasa humigit kumulang 13 hanggang 20 milyong miyembro nito bunsod ng nangyaring cyber attack ng Medusa ransomware group sa kanilang sistema.

Pero paglilinaw ni Santiago, posible pa namang mabawasan ang nabanggit na bilang dahil kasalukuyan pa rin nilang sinusuri ang mga nakuha nilang datos gaya ng nagkadobleng pangalan at iba pa.

Dagdag pa ni Santiago na ang karamihan aniya sa mga datos na posibleng nakompromiso ay iyong mga indirect contributor partikular na iyong mga Senior Citizen at mga mahihirap.

Dahil dito, sinabi ni Santiago na kabilang sa mga hakbang na kanilang ikinakasa ay ang pagbibigay abiso sa mga apektadong miyembro sa pamamagitan ng text message, e-mail o di kaya nama’y isa-isang padalhan ng sulat o puntahan sa bahay

Samantala, sinabi naman ng PhilHealth na inaasahan nilang maide-deliver na ngayong linggo ang binili nilang antivirus software para sa kanilang work stations na napasok ng mga hacker.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us