Pnatohanan ng 23 taong gulang na si Hebban Tawantwan ang power of manifesting matapos itong nag top 1 sa 2023 CPA Licensure Examination.
Ayon kay Tawantawan na tubong Lanao del Norte, nasa unang taon palang ito sa kolehiyo ay pinangarap at sinabi na nito sa sarili at sa mga malalapit na kaibigan na balang araw gusto rin nitong manguna sa CPA licensure exam.
Kaya naman ng ipaalam sa kanya kagabi ng director ng kanyang review center ang magandang balita ay halos hindi ito makapaniwalang nagkatotoo nga ang kanyang pinangarap.
Inamin rin nito na medyo nahirapan siya sa ilang mga components ng exam.
Ibinahagi ni Tawantawan na pinaghandaan at tinutukan talaga nito ang pagre-review at may mga pagkakataong masasakripisyo aniya ang oras sa kanyang pamilya ngunit laking pasasalamat nito na naiintindihan naman siya ng kanyang mga mahal sa buhay.
Dahil sa tagumpay at karangalang dala ni Hebban sa kanyang unibersidad, sinabi ni Father Jose Alden Alipin, AOR ang VP for Academic Affairs ng USJR na bibigyan nila ng P100,000 cash at bagong laptop si Hebban na magagamit nito sa kanyang paghahanap ng trabaho.
Napag-alaman na si Tawantawan ay ang ikatlong estudyante na nagtapos sa University of San Jose Recoletos na nag top 1 sa CPA licensure exams kung saan huling nagkaroon ng top1 ang unibersidad 13 taon na ang nakakaraan.
Nagtapos ito sa kursong Bachelor of Science in Accountancy bilang Magna Cum laude noong December 2022.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu