Training facility ng NBI, PCG at DSWD facility para sa nakatatanda at mga ulila, planong itayo sa Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na nalalapit nang simulan ang pagtatayo ng training facility ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol, maliban pa sa social welfare center para sa mga nakatatanda, inabusong kababaihan at mga ulila.

Aniya, may P250 million na pondong inilaan ang Kongreso para sa pagtatayo ng NBI Academy, habang P300 million naman ang para sa Philippine Coast Guard Academy.

Sa pamamagitan aniya nito ay mapapalakas ang regional at national security ng bansa.

“Another academy, ‘yung Philippine Coast Guard Academy, pero this time sa Pacific side, another development ‘yan para sa Bicol Region. [This] underscores the commitment to bolstering maritime security.” sabi ni Co

Nakatakda namang itayo sa Estanza ang pasilidad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), para pangalagaan ang mga nakatatanda, mga ulila at mga inabusong kababaihan.

Katunayan, nag-donate pa ng lupa ang mambabatas para maisakatuparan ng proyekto.

“Nagdonate ako ng lupa (property) kasi na observe ko wala tayo sa Legazpi na facility para sa mga matatanda katulad ng Home for the Aged, wala tayong reception house for the abused women and rape victims, wala rin para sa orphanage. Kausap na natin ang DSWD, sila ang bahala sa plano ng facility. We have provided the property kung saan itatayo ang pasilidad and we are just waiting for the groundbreaking ceremony para masimulan na ang construction nito,” ani Co. | ulat ni Kathleen Forbes 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us