Transportation Secretary Bautista, itinanggi ang alegasyong sangkot siya sa umano’y katiwalian sa implementasyon ng PUVMP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang alegasyon na sangkot siya sa umano’y korapsyon sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa isang video message, sinabi ni Bautista na walang basehan ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya na siya ay sangkot sa katiwalian.

Ayon kay Bautista, wala siyang tinatanggap na pera o pabor sa kahit kanino man simula nang maupo siya bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Nangako rin si Bautista, na pagsisilbihan ang bayan at ang mga Pilipino ng may integridad bilang kalihim ng DOTr.

Plano rin ng kalihim, na magsampa ng kaso sa sino man na nagpapakalat ng kasinungalingan at naninira sa kaniyang reputasyon.

Matatandaang isiniwalat ni Manibela Chairperson Mar Valbuena, na mayroon umanong katiwalian sa LTFRB at DOTr gaya ng pagbibigay ng lagay sa mga prangkisa at ruta sa PUVMP. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us