Tren ng MRT-3, nagkaaberya ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng DOTr-MRT-3 management na nagkaroon ng aberya sa operasyon ng tren kaninang morning rush hour.

Ayon sa MRT-3, alas-7:33 kaninang umaga nang makaranas ng ‘communication issue’ ang isang tren na pa-northbound malapit sa bahagi ng Magallanes station.

Dahil dito, kinailangang i-offload ang mga pasahero at ilipat sa susunod na tren.

Agad naman aniyang inalis ang nagkaaberyang tren sa mainline para sa troubleshooting at pagkukumpuni nito sa depot.

As of 8:00am, balik-operasyon na rin ang buong linya ng MRT-3 na may tumatakbong 18 train sets.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us