Binigyang pugay ng Trade Union Congress of the Philippines ang kabayanihan ng Overseas Filipino Worker na si Angelyn Aguirre na nasawi sa kasagsagan ng labanan ng Isreal at Hamas.
Sa isang pahayag ng TUCP, maipapakita ang pinakamataas na pagpupugay kay Aguirre sa pamamagitan ng isang whole-of-government response para mailigtas sa bingit ng peligro ang iba pang Pinoy na naipit sa sitwasyon sa Gaza.
Hindi lamang naiipit sa crossfire ang mga Pinoy sa Gaza kundi nahaharap din sa humanitarian crisis.
Marami sa na-trap na residente ay walang access sa tubig, pagkain, kuryente at gamot.
Nanawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na atasan ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers, at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), para triplehin ang pag-operationalize ng isang contingency plan na may definitive timelines para sa repatriation ng mga Pinoy sa Gaza at sa Israel na gustong bumalik ng Pilipinas.
Dagdag ng TUCP, kung kaya ng Thailand at Singapore na mag-deploy ng kanilang air assets para sa extraction ng kanilang mamamayan doon, magagawa din ng gobyerno ng Pilipinas.
Si Aguirre, ay nasaw dahil hindi nito inabandona ang may edad na pasyente na kanyang inaalagaan. | ulat ni Rey Ferrer