Tulong para sa mga magsasaka, hindi dapat maipit dahil sa politika — party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ng isang kongresista na hindi mahaluan o maipit dahil sa politika ang tulong para sa sektor ng agrikultura.

Sa kaniyang pagdalo sa 1st National Credit Surety Fund Cooperative Congress sa Cebu, ipinunto ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na may mga pagkakataon na naiipit ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka dahil lang sa hindi kasundo ang mga opisyal.

Maliban dito, para makapasok sa programa o makakuha ng tulong ay napakaraming rekisitos na hinihingi ang gobyerno.

Kaya hiling nito sa pamahalaan na pasimplehin at i-streamline ang proseso para agad makakuha ng tulong ang mga magsasaka at mapakanibangan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us