Nakaalerto na ang Manila Electric Company (MERALCO) at kanilang buong crew upang tiyakin ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa panahon ng eleksyon.
Sinabi ni MERALCO Spokeperson at VP for Corporate Communications Joe Zaldariaga, nakahanda na rin ang mahigit 300 generator sets at halos 800 flood lights na maaring gamitin ng mga crew sakaling magkaroon ng problema ang serbisyo ng kuryente.
Sabi pa ni Zaldariaga, kaisa ang MERALCO ng pamahalaan para mapanatiling maayos at mapayapa ang eleksyon.
Mananatili ring bukas ang MERALCO Hotline na 1622 24-oras at sa pamamagitan ng kanilang social media account sa Facebook.| ulat ni Rey Ferrer