Turkish Government, nangako ng suporta kay VP Sara Duterte para sa pagpapaunlad ng edukasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Pamahalaang Türkiye ang kanilang suporta sa kapayapaan gayundin sa pagpapaunlad ng edukasyon sa mga batang Pilipino.

Ito ang naging buod ng isinagawang courtesy call ni Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, ngayong araw.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President, natatangi ang okasyong ito at naging matagumpay naman ang pagpupulong ng dalawang opisyal.

Ipinangako rin ng Turkish Official ang pagbibigay ng scholarship sa mga batang Pinoy na magbibigay-daan sa paglago ng kanilang kaalaman at kakayahan.

Tinalakay din sa pagpupulong ang patuloy na ugnayan sa pagitan ng Türkiye at Pilipinas, para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Mindanao gayundin ang seguridad ng bansa.

Samantala, ipinaabot naman ni VP Sara ang pakikisimpatiya ng Pilipinas sa naging pag atake ng mga terorista sa Ankara noong Oktubre 1. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us