Ulat ng pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa Phil. Navy sa Bajo de Masinloc, propaganda lang ng China – AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, ang ulat na tinaboy umano ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Navy sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa AFP Chief, ang ulat na nagmula sa Beijing ay propaganda lang ng China para maipakita sa kanilang “Internal audience” na may ginagawa sila.

Nilinaw ni Gen. Brawner, na walang pwersa ang Philippine Navy sa bisinidad ng Scarborough Shoal, at tanging ang Philippine Coast Guard lang ang may presensya sa lugar.

Matatandaang kamakailan lang ay inalis ng Philippine Coast Guard ang floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard sa lugar na sagabal sa paghahanap-buhay ng mga lokal na mangingisda.

Giit pa ng AFP Chief, kung mayroon mang barko sa lugar ang Philippine Navy hindi sila papayag na palayasin, at paninindigan ng Phil. Navy ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa Exclusive Economic Zone ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us