“Fake news” ang umano’y P1.6-billion na confidential funds ng Kamara.
Ito ang sinabi ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co nang matanong sa isang press briefing kung totoo ba ang kumakalat sa social media na mayroong confidential fund ang House of Representatives.
Depensa naman ni Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo na hindi confidential fund bagkus ay extra ordinary expense ang tinukoy na P1.6-billion.
Isa aniya sa mga halimbawa ng maaaring paggamitan nito ay sa panahon ng kalamidad.
Maliban dito, hindi gaya ng confidential funds, ang naturang extraordinary expenses ay fully auditable.
Pagbibigay-diin pa nito, walang confidential fund ang Kamara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes