Unang batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan na darating sa Pilipinas mamayang hapon ang nasa 17 Overseas Filipino Workers na naipit sa kaguluhan sa Israel.

Ayon sa Philippine Embassy sa Israel, 16 caregivers at isang hotel worker na mga kababayan natin ang magbabalik sa bansa lulan ng Etihad Airways Flight EY594.

Kahapon umalis sa Israel ang 17 OFWs bandang 2:55 PM at inaasahan na darating sa bansa mamayang 3:55 PM.

Nauna rito ay nagbigay na ang Department of Migrant Workers (DWM) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong gaya ng tirahan, pagkain, tulong pinansyal, transportasyon at ligal na tulong sa mga OFW.

Nagsagawa rin ng pre-departure briefing kahapon na pinangunahan naman ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr upang ipaliwanag sa mga OFW ang kanilang mga tulong na matatanggap mula sa pamahalaan pagbalik sa bansa.

Sa ngayon, inaasikaso na rin ng Philippine Embassy sa Israel ang pag-uwi sa bansa bukas ng 19 na OFWs. | ulat ni Diane Lear

📷: PH Embassy in Israel

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us